Pakikipag-ugnayan Gamit ang Makabagong Teknolohiya
Ang gadgets ay isang maliit na gamit pang teknolohiya, isang bagay na
madaling gamitin at nakakatuwang teknolohiya, at maituturing na mamahalin kapag ang gadget ay maraming gamit. Masasabing ang gadgets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Ang gadget ay maaring makakatulong sa lahat ng tao sa pamamagitan ng pag-sasaliksik ng mga takdang aralin at para sa komunikasyon tulad ng pakikitawag sa pamilya na nasa malayong lugar para malaman ang nagaganap sa kanila. pero hindi dapat ma-sobrahan ang paggamit nito kasi maaring mapabayaan natin ang ating kalusugan. Totoong nakakaadik ito at isa rin itong dahilan kung bakit napapabayaan ang mga estudyante ang kanilang pag-aaral,dapat limitado ang paggamit ng mga ito dahil tungkulin ng isang estudyante and mag-aral. Nakatutuwang isipin na napapadali at napapagaan ang maraming mga gawin ng tao dahil sa makabagong teknolohiyang ito. Lalong lumiliit ang mundo dahil hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay. Nakatutuwa ring asahan kung ano pang mga pag-usad sa teknolohiya ang madidiskubre sa darating pang mga taon.
Kaya naman mahalaga ang mapanuring paggamit ng mga gadgets. Sa ganitong paraan, napapakinabangan natin ang magagandang naidudulot ng mga ito. Nagiging daluyan ang mapanuring pag-gamit ng gadgets sa maganda at mapag-kalingang ugnayan sa pamilya at pati na rin sa ating kapwa.
References:
https://images.hktvmall.com/h0972006/h0972006_coverimage_171106044256.jpg
References:
https://images.hktvmall.com/h0972006/h0972006_coverimage_171106044256.jpg
Comments
Post a Comment