Isulong: Tamang pag-aaruga para sa lahat ng Bata!


Related image

Ang National Children's Month ay may layuning ipaalam sa bawat mamamayan ang mga karapatan at kahalagahan ng mga bata sa ating lipunan. Ang tema ay “Isulong: Tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata!” Simula’t sapul lahat ng bata ay may tiwala sa mga nakakatanda at sila ang may pananagutan sa pagtitiwalang ito. Kung kaya’t ang pakabigong mapalaki sa tamang kaparaanan ay isang malaking pagkakamali at pagtalikod sa isang napakahalagang tungkulin. 

Sapagkat ang tamang paggabay sa pagpapasya ng mga kabataan ang magdadala sa kanila sa kanilang mga pangarap. Ang tamang pagpapasya ay susi sa tagumpay at magandang kinabukasan. Ang maling pagturo sa pagpapasya sa mga kabataan ay pwedeng maging sanhi ng hindi pagtupad ng mga bata sa kanilang pangarap.Kapag ang bata ay pinalaki sa layaw, ito ay pinalalaki hindi bilang adulto, kundi bilang isip-bata, basag-ulero, sakit sa ulo at iresponsable.  Sa kalaunan, problema rin ng magulang ang batang ito, hindi marunong tumayo sa sariling mga paa, at baka magiging salot sa pamilya at komunidad pa nga.

Mahalaga na maipaunawa sa mga bata  ang kanilang mga karapatan upang alam nila kung tama ba ang ginagawa sa kanila ng mga taong nakapaligid sa kaniya, upang malaman nila kung ang tinatamasa ba nilang buhay ay nararapat sa kanila at upang maproteksyunan nila ang kanilang mga sarili. Dahil sa tamang pag-aaruga sa mga bata magkakaroon sila ng magandang kahihinatnan. 


References:
http://www.sanmateo-isabela.gov.ph/images/SLIDER/26th-Childrens-Month.jpg

Comments

Popular posts from this blog

Pakikipag-ugnayan Gamit ang Makabagong Teknolohiya