FILIPINO: WIKA ng SALIKSIK
Tuwing Buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika o Buwan ng Wikang Pambansa. Ang tema ngayong taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik". Ginugunita ng Pilipinas ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Puno ng iba't ibang aktibidad ang buwan bilang pagsaludo sa wikang Filipino at sa pagmamahal sa bansa.Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng pambansang wika at ang mga hakbang upang itaguyod at paunlarin ito.
Ano nga ba ang pinapahalagahan at ipinapahayag ang tema ngayong Buwan ng Wika? sa aking sinaliksik ang nais iparating sa atin ang mensahe na ito: Ang Wikang Filipino ay wika ng saliksik dahil karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi na gaanong alam ang ilan sa mga malalalim na mga salitang Filipino dahilan na nga na hindi na tayo madalas gumagamit ng wikang Filipino dahil nasanay tayo na wikang Ingles ang ating ginagamit dahil ito lang ang tanging paraan para makipag-ugnayan sa ibang bansa. Kaya ang resulta nito ay nangangailangang tayo ay magsasaliksik upang malaman ang ibig sabihin ng mga ito. Ngunit ang ating wika ay nararapat na pangalagaan at preserbahan dahil ito ay pamana ng ating mga ninuno, kailangan natin itong paunlarin dahil isa itong kasangkapan sa pagkakaintindihan at komunikasyon nating mga Pilipino.ang komunikasyon ay ang pinag sama-samang kaalaman at opinyon na mahahalaga upang magkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng impormasyon at pagsagot sa mga kurokuro sa pamjamagitan ng analisasyon. Bilang mamamayang Pilipino,obligasyon natin na payabungin ito,dahil ito ay simbolo ng yaman ng wika na nag-uugnay sa bawat Pilipino at sa mundo, ito ay nagbibigay ng epektibong pakikipagtalastasan sa ibang tao sa mundo at ito ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mundo.Dito rin natin isinasagawa ang pagbabahagi ng kaalaman at pagbibigay inspirasyon sa ating kapwa. Nagbibigay rin sa atin ng karunungan at kaunlaran para sa sarili. Mawawalan ng saysayang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika.
Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino. Wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlarasan, saan mang panig ng Pilipinas. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t payabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa, Ang Wikang Filipino. Wika mo, Wika ko, at Wika nating lahat.
WOW
ReplyDeleteSalamat sa impormasyon! yieeee ahahahaha
ReplyDeleteI’m impressed with your ability to write concisely. Good job!
ReplyDeleteNapakahusay mo Angela! Kaya dapat nating pahalagahan ang ating wika sapagkat ito ang sumisimbolo sa ating pagkatao bilang mga Pilipino:)
ReplyDelete